Saturday, December 29, 2012

It's More fun in Baguio


              
          Ang napakalamig na simoy ng hangin ang unang babati saiyo kapag ika’y nakarating dito. Napakaraming mga tanawin na maaaring mapuntahan kapag ikaw ay nakapasyal dito.  Ito rin ang tirahan ng mga Igorot at ng Sundot Kulangot.
                 

          Kung ang iyong hula ay Baguio City, mararahil na ikaw ay tama. Ang Baguio na tinatawag na Summer Capital of the Philippines o di kaya City of Pines ay matatagpuan sa bahaging CAR o sa mga bundok ng Cordillera. Ang Baguio ay isang tourist attraction dahil sa lamig ng klima nito.
        
         Katulad ng binagggit, ang Baguio ay kilala rin sa mga nakakabighaning mga tanawin katulad ng Burnham Park na kung saan dito namamalagi ang isang man made na lake na kung saan ginagamit nalang bilang pond ung saan pwede mamangka ang mga turista. O kung ayaw mo naman sa mga bangka, pwede ka rin naman pumasyal sa parke sa pamamagintan ng bisikleta o sa paglalakad.

          Ang Burnham Park lang ang isa sa mga pwede mo pasyalan sa lugar na iyo, naroon rin ang Minesview, ang The Mansion at huwag natin kalimutan ang Camp John Hay.

            Maaari maglibang-libang tayo kasama ng mga kamag-anak at kaibigan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litarto o kung ikaw ay nag-iisa at gusto mo ng tahimik na pamamasyal magandang puntahan ang Groto kung saan napakatahimik at mapayapa doon. At kung mahilig ka sa mga piesta maaari mong puntahan ang Panagbenga Festival kung saan bida ang mga bulaklak.


          At hindi magiging buo ang bisita mo sa Baguio kung hindi ka bibili ng mga pasalubong para sa mga malapit sa puso mo. Kadalasan na mabibili mo sa baguio ay ang strawberries, crinkles at tulad ng sa nabanggit sundot kulangot. Kung ayaw mo naman ng pagkain, maari ka rin makabili ng mga bag at mga kalendaryo.
   
         Ngunit hindi lang iyon ang makikita mo sa Baguio, marami ka din makikilala mga napakabait na mga tao. Mula sa iyong mga kamag-anak na binibista hanggang kay kuya na umaalalay sa iyo sa pagsakay ng kabayo at kay ate na binentahan ka ng mga strawberry. Lahat ng mga ito, katulad sila ay kasama sa karanasan mo sa Baguio.


            Kaya ano pa hinihintay niyo? Pumunta na kayo sa  pinakamasayang lugay sa PPilipinas Ang Baguio  City!


           

No comments:

Post a Comment